Posts

Showing posts from January, 2023

Mga batas na may kaugnayan sa pagsasaka

  Republic Act No. 11511 (An Act Amending R.A. No. 10068 or the Organic Agriculture Act of 2010) [1] Republic Act No. 11524 (Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act) [1] Republic Act No. 11321 (Sagip Saka Act) [1] Republic Act No. 11291 (Magna Carta for the Poor) [1] Republic Act No. 11203 (Rice Tariffication Law) [1] Republic Act No. 10915 (Philippine Agricultural and Biosystems Engineering Act of 2016) [1] Republic Act No. 10601 (Agricultural and Fisheries Mechanization Law) [1] Republic Act No. 10068 (Organic Agriculture Act of 2010)  (April 6, 2010) [1]               Mga kaugnay na kaalaman at sanggunian: Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10068   Philippine National Standard for Organic Agriculture Executive Order No. 481 (December 27, 2005) National Organic Agriculture Board National Organic Agriculture Program Bureau of Agriculture and Fisheries Standards Bureau of Agricultural Research Code of...

Kakawate

Scientific name: Gliricidia sepium [1] Iba pang pangalan: Madre de Cacao [1] Ang kakawate ay hindi madaling kapitan ng mga peste at tumutubo ng mabuti maging sa mga lupa na hindi gaanong malusog. [2] Ang pagitan ng pagtatanim ng kakawate (buto man o cuttings) ay 50-100 sentimetro (1.6-3.2 talampakan) [2] Ang mga sanga ay maaari nang anihin pagkatapos ng 7 buwan matapos ang pagkakatanim ng cuttings nito o 12 buwan matapos ang pagpapatubo ng punla. [2]  Ang kakawate ay maaaring anihan tuwing ika-2 hanggang 3 buwan sa panahon ng tag-ulan. [2] Ito ay napakainam na pagkukunan ng protina subalit ito ay may taglay na mataas na tannin kung kaya inirerekomenda na hindi dapat ito lalagpas sa 20% ng pakain ng alagang hayop sa loob ng isang araw. [1] Ang pagpapalanta/tuyo ng mga dahon ng kakawate ay inirerekomenda rin upang mapabuti ang pag-iimbak nito, mapataas ang dry matter at mabawasan ang potensyal ng pagiging lason nito. [1] Normal standard sa pagpapakain sa mga maliliit na ruminants: 4%...

Madre de Agua

  Scientific name: Trichantera gigantea Iba pang pangalan: Nacedero Ang mga dahon ng Madre de Agua ay tradisyonal na ginagamit na pagkain para sa mga baboy at kuneho. [1] Mas kaaya-aya sa panlasa ng mga baboy at kuneho ang Madre de Agua. [6] Maaaring ipakain ang sariwa o pinatuyong dahon ng Madre de Agua [6] Maaari ring ipakain ang Madre de Agua sa mga pato, inahing manok, pugo, baka, kalabaw, tupa at kambing. [3] Ang Madre de Agua ay mahalagang pambakod (live fence) na nagbibigay ng lilim at pagkain. [1] Ito ay maaaring itanim sa paligid ng mga bukal, tabing ilog at balon upang pigilan ang pagguho ng lupa. [1] Mas mainam sa Madre de Agua ang mga lugar kung saan may mataas na temperatura na umaabot sa 30°C at taunang pag-ulan na nasa1500 mm hanggang 3000 mm. [1] Mainam din ang pagtubo nito sa lupa na may pH na 4.5 gayon din sa hindi gaanong mataba pero well-drained na lupa. [6] Mas produktibo ang tanim na ito sa malilim kaysa mas naaarawan na lugar at tumutubo ng mas mabuti sa...

Azolla

  Species: Azolla caroliniana, Azolla filiculoides, Azolla mexicana, Azolla microphylla, Azolla nilotica, Azolla pinnata [1] Ang Azolla pinnata ay karaniwang matatagpuan sa Asia at baybayin ng tropical Africa. [1] Iba pang pangalan: mosquito fern, duckweed fern, fairy moss, water fern [1] Kakaiba ang Azolla dahil ito ay isa sa mga halaman sa mundo na pinakamabilis na tumubo ngunit ito ay hindi nangangailangan ng lupa para lumago. [5] Dahil ang Azolla ay nagtataglay ng mataas na protina (19-30%) at essential amino acid (lysine), ito ay maaaring maging mahalagang protein supplement para sa maraming hayop, kabilang na ang mga ruminants (tupa, kambing), kuneho, poultry, baboy at isda. [1, 6] Mababa ang taglay na lignin ng Azolla kaya ito ay madaling matunaw (digest) kapag kinain ng alagang hayop. [6] Ang pagpapakain ng Azolla sa mga broiler na manok ay nakakapagpataas ng timbang nito at nakakapagparami ng pangingitlog sa mga layer na manok. [6] Napapataas din ng Azolla ang ...

Malunggay

  Scientific Name: Moringa oleifera Iba pang pangalan: Kalamunggay [3] Maganda ang tubo ng malunggay sa mga lugar na may temperaturang 25 hanggang 30 o C. [1] Ito ay tumutubo kahit sa mga lugar na laging nasisikatan ng araw. [1] Mas maganda ang tubo ng malunggay sa mga lugar na ang taunang ulan (annual rainfall) ay 1000-2000 mm. [1] Maaaring mabuhay ang malunggay sa lugar na may kakapusan sa tubig o pag-ulan at tagtuyot (“drought tolerant”) subalit maaaring mabawasan ang pagdadahon nito (foliage production). [1] Maaaring ipakain ang mga dahon sa alagang baboy, poultry tulad ng gansa, manok, pabo o pato/itik, at isda  pero limitado lang dapat dahil mayroon itong fiber at antinutritional factors . [1] Ang anti-nutritional factors na nasa mga dahon ng malunggay ay maaaring mabawasan sa tamang pagproseso sa pamamagitan ng pagpapakulo sa mainit na tubig para tanggalin ang mga ito. (aqueous extraction). [4] Dapat iwasan na masobrahan ng tubig ang ugat ng malunggay upang maiwasa...

Mga halaman na maaaring itanim sa farm

Ayon sa aking pagbabasa, ang mga halamang ito ay may pakinabang bilang pagkain ng mga alagang hayop, gamot sa mga karaniwang sakit nila at maaring gawing pataba sa lupa. Ang iba ay pantaboy o pamatay din sa mga peste sa halamanan Avocado Azolla   Basil Bayabas Betel Nut Citronella Gabe Ipil-ipil Kakawate o madre de cacao Kamote Kamoteng-kahoy Kangkong Kawayan Indigofera Langka Lavender Luya Madre de agua Makabu hay Malunggay Maramais Marigold Mulberry Napier Neem Oregano Pakchong 1 / Super Napier [1] Petunia Rensonii Saging Tanglad ______________ Sanggunian: 1.  Super Napier Planting Guide – Agriculture Monthly

Ang pagsisimula

  Sa araw na ito ay sinisimulan ko ang pagtatala ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pagsasaka. Ito ay paghahanda sa aking plano na pagreretiro sa edad na 60 years old. Ang blog na ito ay nais kong maging gabay sa buhay na nais ko pagkatapos ng pagreretiro sa pagtatrabaho --- ang pagsasaka.  Bagama't ang layunin ko ay para sa pagpapalawak lang ng pansariling kaalaman, nawa'y makatulong din ito sa iba na nais ding matutunan ang larangan ng pagsasaka.  Tara! Samahan n'yo ako...