Malunggay

 

  • Scientific Name: Moringa oleifera

  • Iba pang pangalan: Kalamunggay [3]

  • Maganda ang tubo ng malunggay sa mga lugar na may temperaturang 25 hanggang 30 oC. [1]

  • Ito ay tumutubo kahit sa mga lugar na laging nasisikatan ng araw. [1]

  • Mas maganda ang tubo ng malunggay sa mga lugar na ang taunang ulan (annual rainfall) ay 1000-2000 mm. [1]

  • Maaaring mabuhay ang malunggay sa lugar na may kakapusan sa tubig o pag-ulan at tagtuyot (“drought tolerant”) subalit maaaring mabawasan ang pagdadahon nito (foliage production). [1]

  • Maaaring ipakain ang mga dahon sa alagang baboy, poultry tulad ng gansa, manok, pabo o pato/itik, at isda  pero limitado lang dapat dahil mayroon itong fiber at antinutritional factors. [1]

  • Ang anti-nutritional factors na nasa mga dahon ng malunggay ay maaaring mabawasan sa tamang pagproseso sa pamamagitan ng pagpapakulo sa mainit na tubig para tanggalin ang mga ito. (aqueous extraction). [4]

  • Dapat iwasan na masobrahan ng tubig ang ugat ng malunggay upang maiwasan na kumonti ang kinakailangang oxygen na dapat mapunta sa mga ugat nito (waterlogging). Ang lupa na pagtataniman ay hindi dapat naiipunan ng tubig (well-drained dapat). [1]

  • Nabubuhay ang malunggay sa lupa na may pH na 4.5 hanggang 9 basta well-drained. [1]

  • Maaaring itanim ang malunggay kasama ng ipi-ipil, mga gulay sa tinatawag na alley cropping o maging sa mga madamong lugar. [1]

  • Napaparami ang malunggay sa pagtatanim ng buto o pinutol na puno/sanga (cuttings) nito. Ang buto ay maaaring itanim ng direkta sa lupa o sa isang lalagyan/container. [1]

  • Ang malunggay ay dapat na itanim ng direkta sa lupa sa pagsisimula ng tag-ulan sa nakaangat na punlaan ng buto (seedbed) upang maiwasan ang waterlogging. [1]

  • Mas madahon ang malunggay na itinanim mula sa buto kaysa sa cuttings. Kung high-grade na bunga ang gustong anihin, mainam na cuttings naman ang itanim. [1]

  • Ang pagitan ng pagtatanim ng malunggay para sa mayabong na pagdadahon ay mula 5 x 10 cm hanggang 20 x 20 cm. [1]

  • Maaari nang mag-ani ng mga dahon ng malunggay sa loob ng 2.5 na buwan. Ang pagitan ng pagpuputol ay mula 15 hanggang 75 araw, depende sa lokasyon. [1]

  • Ang pollarding and coppicing ng malunggay ay nakakapagpabilis ng pagtubo at pagpaparami muli ng mga dahon. [1]


    Coppicing – ito ay isang proseso ng pagputol ng palumpong (shrub) at puno (tree) malapit sa lebel ng lupa at hayaang ang mga usbong nito na tumubo mula sa pinakapuno nito sa loob ng ilang taon. [2]

    Pollarding – ito ay kahalintulad na teknik ng coppicing pero ang pagpuputol ay nasa mataas na bahagi ng puno. [2] 


    Pagkain para sa layer na manok
    • Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Floro Dalapag, Assistant Professor ng College of Agriculture sa Xavier University, ang pinulbos na dahon ng malunggay (powdered malunggay leaves) ay maaaring gawing feed supplement para sa layer na mga manok. [3]


    Paraan ng paggawa: [3]


    1. Piliin ang mga sanga ng malunggay na pagkukunan ng mga dahon na gagamitin.

    2. Ilatag ang mga dahon sa isang may silong na lugar na mapagpapatuyuan at haluin ng madalas. Maaaring gumamit ng plastik bilang trapal para sa patutuyuing mga dahon. 

    3. Kapag tuyo at marupok na ang mga dahon, gamitan ng grinder para durugin ang mga dahon upang maging pulbos ito.


                                Karagdagang kaalaman: Sa ibang pag-aaral, ang pagpapatuyo ay inabot ng
                         tatlo (3) hanggang limang (5) araw sa temperaturang 35oC. [4]

    1. Salain ng net o strainer upang alisin ang mga natitirang tangkay. 


    Sa pag-aaral na ginawa, 10% ng pinulbos na malunggay ang ibinigay sa mga layers na manok at walang gaanong pagkakaiba sa pangingitlog nila kumpara doon sa mga binigyan ng purong feeds/pakain. [3]


    Para sa pagbibigay ng 10% na pinulbos na malunggay, ihalo lamang ang isang (1) sukat nito sa siyam (9) na sukat ng commercial feeds. 

    Halimbawa: Ihalo ang isang kilo ng pinulbos na malunggay sa siyam na kilo ng feeds. 


    Pagkain para sa Itik (Philippine Mallard Duck) [5]


    50% commercial feed + 50% malunggay leaves ( 1:1)

    Halimbawa: Ihalo ang isang kilo ng commercial feed sa isang kilo ng pinulbos na malunggay leaves 


    Iba pang gamit ng malunggay leaves:

    Ang katas ng dahon (leaf extract) ng malunggay ay maaaring i-spray sa mga dahon ng alagang halaman upang mapayabong ito (plant production).  Ayon sa pag-aaral ang plant production ay maaaring tumaas hanggang 20-35%. [1]


    Ang pagpapakain ng mga dahon ng malunggay ay may anti-parasitic effect din sa mga kambing. [6]

    REFERENCES: 


    1. Moringa (Moringa oleifera) | Feedipedia

    2. Difference Between Pollarding and Coppicing - Trees Down Under

    3. Malunggay: An EGGcellent feed additive (thesip2014.wixsite.com)

    4. Moringa Oleifera Leaves in Poultry Nutrition and Health - Engormix

    5. THE EFFECT OF MALUNGGAY LEAVES (MORINGA OLEIFERA) AS FEED SU by Ruby Anne Bunao (prezi.com)

    6. (PDF) Anti-parasitic effect of Moringa oleifera leaf supplement in Boer goats (researchgate.net)






    Comments

    Popular posts from this blog

    Mga batas na may kaugnayan sa pagsasaka

    Madre de Agua