Madre de Agua

  •  Scientific name: Trichantera gigantea
  • Iba pang pangalan: Nacedero
  • Ang mga dahon ng Madre de Agua ay tradisyonal na ginagamit na pagkain para sa mga baboy at kuneho. [1]
  • Mas kaaya-aya sa panlasa ng mga baboy at kuneho ang Madre de Agua. [6]
  • Maaaring ipakain ang sariwa o pinatuyong dahon ng Madre de Agua [6]
  • Maaari ring ipakain ang Madre de Agua sa mga pato, inahing manok, pugo, baka, kalabaw, tupa at kambing. [3]
  • Ang Madre de Agua ay mahalagang pambakod (live fence) na nagbibigay ng lilim at pagkain. [1]
  • Ito ay maaaring itanim sa paligid ng mga bukal, tabing ilog at balon upang pigilan ang pagguho ng lupa. [1]
  • Mas mainam sa Madre de Agua ang mga lugar kung saan may mataas na temperatura na umaabot sa 30°C at taunang pag-ulan na nasa1500 mm hanggang 3000 mm. [1]
  • Mainam din ang pagtubo nito sa lupa na may pH na 4.5 gayon din sa hindi gaanong mataba pero well-drained na lupa. [6]
  • Mas produktibo ang tanim na ito sa malilim kaysa mas naaarawan na lugar at tumutubo ng mas mabuti sa lilim ng puno ng ipil-ipil o saging. [1]
  • Ang Madre de Agua ay maaaring itanim na kasama ng saging, ipil-ipil o kakawate. [1, 5]
  • Sa isang thesis na ginawa, napag-alaman na  mas makakatipid sa pagpapakain ng mga baboy mula grower hanggang finisher sa pinaghalong 90% feeds at 10% na sariwang mga dahon ng Madre de Agua sa . [2]
  • Sinasabi din na pwedeng pamalit ang Madre de Agua sa 20-30% ng commercial feed sa mga growing-finishing na mga baboy. [3]
  • Ang 6 na kilo ng sariwang dahon na makukunsumo ng mga baboy sa isang araw ay katumbas ng 1 kilo ng mixed feeds na natipid. [3]
  • Ang mga mura at sariwang dahon ng Madre de Agua ay maaaring ipakain sa mga baboy. Maaari din itong iproseso bilang leaf meal at gamiting sangkap ng mash. [3]
  • Sa isang pag-aaral na ginawa ni Freddie Libatique ng Isabela State University, ang mga broiler na pinakain ng may 15% Trichantera gigantea Leaf Meal (TGLM) ay nakakuha ng pinakamabuting kabawian sa pamumuhunan (return on investment) kumpara sa iba nitong sinuri. [4]
       Ang mga sangkap na ginamit sa pag-aaral ay ang mga
       sumusunod:
        • Maize Bran (37% starch)            48.31
        • SBM 44/7                                    22.10
        • Rice bran (1-9%)                           7.65
        • Fishm. (S.Am.)                              0.85
        • Molasses (Cane)                            1.70
        • Di.Calc.Ph.                                    0.38
        • Limestone                                      1.55
        • Salt                                                 0.25
        • DL-meth.                                        0.06
        • Used oil                                          2.12
        • Tricantera gigantea                       15.00 
                           Total                                              100.00
   
  • Maaaring ipakain sa mga kuneho: 70% concentrate feed + 30% Madre de Agua. [5]
  • Napaparami ang Madre de Agua sa pamamagitan ng mga cuttings. Ang mga cuttings na may sukat na 6 hanggang 8 pulgada ang haba at may 2 buko (nodes) ay tamang-tama lang sa pagtatanim. [3, 5]
  • Pahilig (slant) dapat ang posisyon ng pagputol ng cuttings. [6]
  • Ang cuttings na pipiliin ay dapat na nasa bandang ibabang bahagi ng murang sanga. Mainam na iimbak muna sa malilim na lugar ang cuttings sa loob ng isang araw bago itanim sa nursery bed. [5]
  • Ang cuttings ng Madre de Agua ay nagkakasibol sa loob ng isang buwan at maaari nang ilipat sa lugar na pagtataniman pagkatapos ng 50 araw. [5]
  • Ang cuttings ay maaaring itanim ng direkta sa inihandang lupa na pagtataniman. [3] 
  • Ang mga cuttings ay maaari ding patubuin sa plastic na bote na may tubig (water-based). Ang isang buko (node) ay dapat na nakalubog sa tubig. [6, pahina 39 para sa detalye]
  • Ang pagitan ng pagtatanim ng Madre de Agua ay nasa 0.5 metro hanggang 1 metro. [5] 
  • Ang Madre de Agua ay ginagamit na panggamot sa colic at hernia sa mga kabayo, retained placenta sa mga baka at intestinal obstructions sa mga alagang hayop. [5]


__________
Sanggunian: 









Comments

Popular posts from this blog

Mga batas na may kaugnayan sa pagsasaka

Malunggay