Azolla
- Species: Azolla caroliniana, Azolla filiculoides, Azolla mexicana, Azolla microphylla, Azolla nilotica, Azolla pinnata [1]
- Ang Azolla pinnata ay karaniwang matatagpuan sa Asia at baybayin ng tropical Africa. [1]
- Iba pang pangalan: mosquito fern, duckweed fern, fairy moss, water fern [1]
- Kakaiba ang Azolla dahil ito ay isa sa mga halaman sa mundo na pinakamabilis na tumubo ngunit ito ay hindi nangangailangan ng lupa para lumago. [5]
- Dahil ang Azolla ay nagtataglay ng mataas na protina (19-30%) at essential amino acid (lysine), ito ay maaaring maging mahalagang protein supplement para sa maraming hayop, kabilang na ang mga ruminants (tupa, kambing), kuneho, poultry, baboy at isda. [1, 6]
- Mababa ang taglay na lignin ng Azolla kaya ito ay madaling matunaw (digest) kapag kinain ng alagang hayop. [6]
- Ang pagpapakain ng Azolla sa mga broiler na manok ay nakakapagpataas ng timbang nito at nakakapagparami ng pangingitlog sa mga layer na manok. [6]
- Napapataas din ng Azolla ang paggagatas ng mga alagang hayop ng 15-20% kung ang 1.5 kilo ng Azolla ay inihalo sa regular na feed. [6]
- Tubig ang pangunahing kailangan para sa pagtubo at pagdami ng Azolla dahil lubha itong sensitibo sa kakulangan ng tubig. [1]
- Ang Azolla ay mamamatay sa loob lang ng ilang oras kung ito ay hahayaan lamang na matuyo. [2]
- Ang magandang pagtubo ng Azolla ay nasa pH range na 4.5 hanggang 7 at nasa temperatura na nasa pagitan ng 20°C hanggang 30°C. [1]
- Ang mataas na temperatura ay magiging sanhi ng higit na pag-atake ng sakit at insekto sa Azolla. [3]
- Higit na maganda ang pagtubo ng Azolla sa lugar na hindi natutuyuan ng tubig (standing water) na nasa pagitan ng 5 at 12 sentimetro (2.0 hanggang 4.7 pulgada) ang lalim na may pH na nasa pagitan ng 4 hanggang 7. [2]
- Kung ang sukat ng pagpapatubuan ng Azolla ay nasa 6 feet x 4 feet. Ito ay kayang magbigay ng 1 kilo ng supplemental feed kada araw. [4]
- Ang ugat ng Azolla ay hindi dapat nadidikit sa lupa at ilalim ng pinagpapatubuan nito (pond o pool) dahil ito ay magiging sanhi ng kakulangan sa sustansiya. Pinakamainam ang pagtubo ng Azolla sa temperatura na nasa pagitan ng 20 at 28°C (68-82.4°F) na bahagya o lubhang naaarawan. Dapat na iwasan ang pagpapatubo ng Azolla sa lubhang malilim na lugar. [2]
- Bumabagal ang pagtubo ng Azolla pinnata kung maalat / maasin ang lugar na pagtataniman. [1]
- Mas maganda ang pagtubo ng Azolla kapag ito ay naaarawan ng 25%-50% lamang. [1]
- Ang matagumpay na pagpapatubo ng Azolla ay nangangailangan ng paglalagay ng phosphorus bilang pataba (0.5 kg hanggang 1 kg sa isang ektarya tuwing isang linggo). [1]
- Maaaring ipakain sa mga alagang hayop ang sariwa o pinatuyong dahon ng Azolla. Ito ay pwedeng ibigay ng direkta o nakahalo sa concentrates na ipapakain sa mga baka, manok, tupa, kambing, baboy at kuneho. [1]
- Nangangailangan muna ng ilang araw bago makasanayan ng mga alagang hayop ang lasa ng Azolla, kaya mas mainam na pakainin muna ang mga ito na may kahalong concentrates sa simula. [1]
- Sa mga sustansiya (nutrients), ang Phosphorus ang pinakaimportante sa Azolla. Dahil ang Azolla ay nakalutang sa tubig, ito ay hindi nakakakuha ng sustansiya mula sa lupa. Kaya naman ang pagtubo ng Azolla ay kadalasang napipigilan ng kakulangan sa Phosphorus kung ang tubig na pinatutubuan nito ay hindi nalalagyan ng Phosphorus. [3]
- Kung ang Azolla ay ginamitan ng dumi ng hayop bilang fertilizer, ito ay dapat na hugasan munang mabuti upang matanggal ang amoy ng dumi. [1]
- Kapag may sobra sa pananim na Azolla, agad itong patuyuin para ilaan sa mga alagang hayop na ang pagpapakain ng pinatuyong dahon ng Azolla ay mas praktikal o mas naaayon. [1]
- Ang Azolla ay karaniwang pinatutuyo sa malilim na lugar at iniimbak na tuyo sa isang plastik na lalagyan para gamitin kalaunan. [1]
- Ang Azolla ay napakaproduktibong halaman. Nadodoble ang dami nito sa loob lamang ng 3 hanggang 10 araw, depende sa kondisyon. [1]
- Pagkatapos na mabulok, ang Azolla ay nagdadagdag ng nitrogen sa lupa. [4]
- Mahalaga ang lugar sa pagpapatubo ng Azolla. Dapat na siguruhin na ang lugar na pinili ay mamo-monitor nang regular. [4]
- Piliin din ang lugar na malapit sa pagkukunan ng supply ng tubig. [4]
- Dapat na ang lugar ay bahagya ring nalililiman para sa mas mainam na pagtubo ng Azolla at sa pagpigil ng pagsingaw (evaporation) ng tubig. [4]
___________
References:
Comments
Post a Comment