Kakawate

  • Scientific name: Gliricidia sepium [1]
  • Iba pang pangalan: Madre de Cacao [1]
  • Ang kakawate ay hindi madaling kapitan ng mga peste at tumutubo ng mabuti maging sa mga lupa na hindi gaanong malusog. [2]
  • Ang pagitan ng pagtatanim ng kakawate (buto man o cuttings) ay 50-100 sentimetro (1.6-3.2 talampakan) [2]
  • Ang mga sanga ay maaari nang anihin pagkatapos ng 7 buwan matapos ang pagkakatanim ng cuttings nito o 12 buwan matapos ang pagpapatubo ng punla. [2] 
  • Ang kakawate ay maaaring anihan tuwing ika-2 hanggang 3 buwan sa panahon ng tag-ulan. [2]
  • Ito ay napakainam na pagkukunan ng protina subalit ito ay may taglay na mataas na tannin kung kaya inirerekomenda na hindi dapat ito lalagpas sa 20% ng pakain ng alagang hayop sa loob ng isang araw. [1]
  • Ang pagpapalanta/tuyo ng mga dahon ng kakawate ay inirerekomenda rin upang mapabuti ang pag-iimbak nito, mapataas ang dry matter at mabawasan ang potensyal ng pagiging lason nito. [1]
  • Normal standard sa pagpapakain sa mga maliliit na ruminants: 4% ng timbang ng hayop (dry matter basis) [2]
  • Average na dry matter ng kakawate: 25.3%. 
    • Ang ibig sabihin nito, ang 100 kilo ng sariwang kakawate ay nagtataglay ng halos 25.3 kilo ng dry matter at 74.7% na tubig. [2]
  • Halimbawa, ang hayop na nagtitimbang ng 100 kilo ay nangangangailangan ng 4 kilo ng dry matter. Dahil ang rekomendasyon ay 20% lamang ng isang araw na pakain ang maaaring ibigay na kakawate sa loob ng isang araw, narito ang pagkukwenta ng timbang ng kakawate na kailangan:
       4 kilo x 20 / 100 = 0.8 kilo o 800 gramo (timbang ng dry matter)
      
       Para sa pagkwenta ng timbang ng sariwang kakawate na
       maaaring ibigay sa loob ng isang araw na pakain:
  
       100/25.3 x 0.8 = 3.16 kilo o 316 gramo (timbang ng sariwang
        kakawate kada araw) [2]           
  • Para sa mga ruminants na may edad/malalaki na, sila ay dapat na pakainin ng kakawate ng 2.5% ng kanilang timbang (dry matter basis):
        2.5 kilo x 20 / 100 = 0.5 kilo o 500 gramo (timbang ng dry
        matter)
      
        100 / 25.3 x 0.5 = 1.98 kilo o 198 gramo (timbang ng sariwang
        kakawate kada araw) [2]


___________________
Sanggunian:





Comments

Popular posts from this blog

Mga batas na may kaugnayan sa pagsasaka

Madre de Agua

Malunggay