Scientific name: Trichantera gigantea Iba pang pangalan: Nacedero Ang mga dahon ng Madre de Agua ay tradisyonal na ginagamit na pagkain para sa mga baboy at kuneho. [1] Mas kaaya-aya sa panlasa ng mga baboy at kuneho ang Madre de Agua. [6] Maaaring ipakain ang sariwa o pinatuyong dahon ng Madre de Agua [6] Maaari ring ipakain ang Madre de Agua sa mga pato, inahing manok, pugo, baka, kalabaw, tupa at kambing. [3] Ang Madre de Agua ay mahalagang pambakod (live fence) na nagbibigay ng lilim at pagkain. [1] Ito ay maaaring itanim sa paligid ng mga bukal, tabing ilog at balon upang pigilan ang pagguho ng lupa. [1] Mas mainam sa Madre de Agua ang mga lugar kung saan may mataas na temperatura na umaabot sa 30°C at taunang pag-ulan na nasa1500 mm hanggang 3000 mm. [1] Mainam din ang pagtubo nito sa lupa na may pH na 4.5 gayon din sa hindi gaanong mataba pero well-drained na lupa. [6] Mas produktibo ang tanim na ito sa malilim kaysa mas naaarawan na lugar at tumutubo ng mas mabuti sa...
Comments
Post a Comment