Itik

  • Tatlong uri ng pato na pwedeng pagpilian upang alagaan:
    • Campbell duck o Khaki Campbell Duck - kilala sa kakayahan nitong mangitlog
    • Muscovy duck - mabuti sa produksyon ng karne. 
    • Itik Pinas - ito ay lahi ng Philippine native mallard layer duck na nabuo ng Department of Science and Technology - Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) at ng National Swine and Poultry Research and Development Center (NSPRDC) ng Bureau of Animal Industry (BAI). Ang lahi na ito ay may mas mabuting kakayahang mangitlog at madaling maka-angkop sa lokal na kapaligiran. [1]
      • Tatlong uri (strains) ng Itik Pinas:
        • IP-Itim (pureline)
        • IP-Khaki (pureline)
        • IP-Kayumanggi (commercial hybrid line) [3]
      • Ang Itik-Pinas ay matibay sa mga sakit at naaangkop sa lokal na klima kaya sadyang mababa ang bilang ng mga namamatayan sa mga ito. [4]
  • Ang pabahay para sa mga itik ay dapat na matiyak ang seguridad kung saan ang mga maninila (predators) o maging ang mga ligaw na aso ay hindi makapasok. [2]
  • Ang pabahay ay karaniwang nilalagyan ng rice hull upang maging komportable ang mga itik at maiwasan na maapakan ang mga itlog. Mapapanatili din nitong malinis ang mga itlog dahil hindi ito maiiputan. [2]
  • Ang rice hull na ilalagay sa pabahay ng mga itik ay dapat na palitan tuwing ikadalawang linggo upang mapanatili itong malinis. Maaaring gamitin ang nagamit na rice hull bilang paghahanda sa lupa na pagtataniman.. [2]
  • Sa una hanggang ikalawang linggo, ang itik ay kailangang bigyan ng boosters bilang karagdagan sa commercial feeds. Ito ay ibinibigay upang mapalakas ang kanilang resistensya laban sa mga sakit at upang makatulong sa kanilang paglaki. [2]
  • Pagkatapos ng dalawang linggo, ang mga itik ay maaari nang pakainin ng mga alternatibong pakain. [2]
  • Ang madre de agua, kuhol at darak (rice bran) ay mga alternatibong pakain sa mga itik. [2]
    • Ang mga kuhol ay mainam na pakain sa mga itik dahil ito ay nagtataglay ng mataas na protina. 

    • Paraan ng pagpapakain ng kuhol sa mga itik:
      • Durugin sa maliliit na piraso upang madali itong makain at ihalo sa darak. 
  • Halimbawa ng alternatibong pakain sa mga itik:
    • Durugin sa maliliit na piraso ang mga kuhol upang madali itong makain at ihalo sa darak.
    • Magdagdag ng tinadtad na dahon ng madre de agua at kangkong. 
    • Haluing mabuti bago ipakain sa mga itik. [2]
  • Ang mga lalaking itik ay nagsisimula ng kanilang pakikipagtalik sa mga babaeng itik sa mga maliliit na tubigan. [2]
  • Mahalaga ang pagkakaroon ng tubig sa paligid kung saan inaalagaan ang mga itik. Ang kakulangan sa tubig ay magkakaroon ng malaking epekto sa proseso ng pangingitlog ng mga itik. [2]
  • Sa pag-incubate ng mga itlog ng itik, tiyakin na may sapat na lugar ang mga itlog at hindi gaanong magkadikit sa isa't isa. Bago ilagay ang mga itlog, lagyan ang mga itlog ng marka kung kailan aanihin ang mga ito.
  • Upang masiguro ang 90 porsiyentong pagkapisa ng mga itlog, ang mga itlog ay dapat na ikutin upang ang buong itlog ay mainitan ng incubator. [2]
_____________________

Sanggunian:






Comments

Popular posts from this blog

Mga batas na may kaugnayan sa pagsasaka

Madre de Agua

Malunggay