Posts

Unang Pamumulaklak ng Talungon (Parrot's Beak)

Image
 Ngayong araw ay nakarating sa akin ang balita na namumulaklak na ang Talungon o Parrot's Beak .  Ang Talungon ( Gmelina philippensis ) ay isang native na punongkahoy sa Pilipinas  na tumutubo bilang palumpong ( shrub ) o maliit na puno .  Kasalukuyan itong itinuturing na isang magandang ornamental plant   na umaabot ang taas mula 3 hanggang 8 metro . Meron din itong mga tinik  at kaya ito tinawag na Parrot's Beak ay dahil sa hugis ng mga dilaw nitong bulaklak.  Nakumpirma ko na Talungon ito sa tulong ng Visayas Native Tree Enthusiasts , isang grupo sa Facebook na layuning palaganapin ang kamalayan ng mga tao sa mga katutubong punongkahoy ng Pilipinas.  Isa ang Talungon sa itinuturing na  Vulnerable Species  ng Department of Environment and Natural Resources batay sa inilabas nitong Administrative Order noong 2017 ( DENR Administrative Order No. 2017-11 ). Ang mga halaman na nasa kategoryang Vulnerable Species ay hindi pa kritika...

Atsuete

Image
Ang atsuete/achuete o annatto (Scientific name: Bixa orellana ) ay nabili namin noong Pebrero ng taong kasalukuyan at naitanim din agad sa farm. Mabuti na lang at na-survive nito ang El Niño na dumaan ngayong taon.  Heto na siya ngayon: Ang mga buto ng atsuete ay kulay orange-red at ginagamit bilang natural food coloring   sa mga pagkain tulad ng pansit malabon, kare-kare at inasal na manok.   Ginagamit din ang atsuete bilang pangkulay ng tela . 

Natural na paraan upang mapalakas ang immunity ng mga sisiw laban sa mga parasito

  Mga sangkap na kakailanganin: 1 kutsara ng molasses 1 kutsara ng apple cider vinegar 1 galon ng tubig 1. Magdagdag ng isang kutsarang molasses at isang kutsarang apple cider vinegar sa isang galon ng tubig. 2. Haluing mabuti at ipainom sa mga sisiw.  Sanggunian: http://www.comfsm.fm/vpcre/download/Raising-Organic-Chicken.pdf

Mga palumpong (shrubs) at mga puno (trees) na pangkontra-bulate (dewormer, anthelmintic) sa mga kambing

 Atis o custard apple  Scientific name: Anona squamosa Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain ad libitum Kamonsil/Kamatsile  Scientifice name:  Pithecellobium dulce Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain  ad libitum Kakawate/Madre-de-kakaw Scientific name:  Gliricidia sepium Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain  ad libitum Aludig/ Bugtai Scientific name: Streblus asper Panuto sa paggamit: Pinakulong katas ng dahon/tangkay bilang drench isang beses sa isang araw Langka/jackfruit Scientific name: Artocarpus heterophyllus Panuto sa paggamit: Pagbibigay ng decoction ng mga dahon at pag-uulit nito pagkaraan ng isang linggo ____ __________________ Sanggunian: 1.  Goat Stall Feeding: An Alternative to Traditional Grazing Systems (juanmagsasaka.com)

Listahan ng Philippine National Standards (PNS) na may Kaugnayan sa Agrikultura

PNS Agricultural Structures – Housing for Goat and Sheep PNS Code of Good Animal Husbandry Practice for Goats PNS for Good Animal Husbandry Practices - Animal Welfare and Environmental Sustainability for Chicken and Duck PNS Halâl agriculture and fishery products PNS Halâl Feeds PNS Code of Halâl Goat Production PNS for Organic Soil Amendments

Ipil-ipil

  Scientific Name:  Leucaena leucocephala Ang ipil-ipil ay isa sa may pinakamataas na kalidad at pinakamalinamnam na pagkain para sa mga baka at livestock. [2] Nagbibigay ito ng masustansya at mataas na protina para sa mga baka, kalabaw, tupa at kambing na nagpapataas ng produksyon ng gatas at bilang supplement ng protina na pakain para sa mga naggagatas na mga baka. [2] Ang ipil-ipil ay pwede ring ipakain sa mga non-ruminants na tulad ng baboy. [2]  Ito ay may napakagandang epekto sa performance ng growing - fattening na mga baboy. [2] Ang naproseso na buto ng ipil-ipil ay ginagamit rin bilang sangkap ng pakain (feeds). [2] Ang ipil-ipil ay nagtataglay ng anti-nutritional amino acid mimosine. Ito ay isang non-protein na mayroong masamang epekto sa mga hayop kung saan ang presensya ng aerobic rumen bacteria na Synergistes jonesii ay wala, pangunahin na sa mga bansa sa Asya. Kaya naman ito ay hindi pinapakain ng higit sa 30% ng kabuoang pagkain ng mga alagang hayop. [1] Ng...

Pagpapakain ng asin sa alagang kambing

  Huwag ipilit ang pagpapakain ng asin sa kambing.  Ang kambing ay kakain na lamang ng kakaunti kapag masyadong maasin ang kanilang pagkain. Ang isang buntis na kambing na nakakakain ng maraming asin ay maaaring magkaroon ng pamamaga (edema) sa suso.  _______ __ Sanggunian: Complete Goat Mineral Information and Guidelines for 2023 (alifeofheritage.com)