Posts

Showing posts from March, 2025

Unang Pamumulaklak ng Talungon (Parrot's Beak)

Image
 Ngayong araw ay nakarating sa akin ang balita na namumulaklak na ang Talungon o Parrot's Beak .  Ang Talungon ( Gmelina philippensis ) ay isang native na punongkahoy sa Pilipinas  na tumutubo bilang palumpong ( shrub ) o maliit na puno .  Kasalukuyan itong itinuturing na isang magandang ornamental plant   na umaabot ang taas mula 3 hanggang 8 metro . Meron din itong mga tinik  at kaya ito tinawag na Parrot's Beak ay dahil sa hugis ng mga dilaw nitong bulaklak.  Nakumpirma ko na Talungon ito sa tulong ng Visayas Native Tree Enthusiasts , isang grupo sa Facebook na layuning palaganapin ang kamalayan ng mga tao sa mga katutubong punongkahoy ng Pilipinas.  Isa ang Talungon sa itinuturing na  Vulnerable Species  ng Department of Environment and Natural Resources batay sa inilabas nitong Administrative Order noong 2017 ( DENR Administrative Order No. 2017-11 ). Ang mga halaman na nasa kategoryang Vulnerable Species ay hindi pa kritika...