Posts

Showing posts from March, 2023

Mga palumpong (shrubs) at mga puno (trees) na pangkontra-bulate (dewormer, anthelmintic) sa mga kambing

 Atis o custard apple  Scientific name: Anona squamosa Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain ad libitum Kamonsil/Kamatsile  Scientifice name:  Pithecellobium dulce Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain  ad libitum Kakawate/Madre-de-kakaw Scientific name:  Gliricidia sepium Panuto sa paggamit: sariwang dahon bilang pakain  ad libitum Aludig/ Bugtai Scientific name: Streblus asper Panuto sa paggamit: Pinakulong katas ng dahon/tangkay bilang drench isang beses sa isang araw Langka/jackfruit Scientific name: Artocarpus heterophyllus Panuto sa paggamit: Pagbibigay ng decoction ng mga dahon at pag-uulit nito pagkaraan ng isang linggo ____ __________________ Sanggunian: 1.  Goat Stall Feeding: An Alternative to Traditional Grazing Systems (juanmagsasaka.com)

Listahan ng Philippine National Standards (PNS) na may Kaugnayan sa Agrikultura

PNS Agricultural Structures – Housing for Goat and Sheep PNS Code of Good Animal Husbandry Practice for Goats PNS for Good Animal Husbandry Practices - Animal Welfare and Environmental Sustainability for Chicken and Duck PNS Halâl agriculture and fishery products PNS Halâl Feeds PNS Code of Halâl Goat Production PNS for Organic Soil Amendments

Ipil-ipil

  Scientific Name:  Leucaena leucocephala Ang ipil-ipil ay isa sa may pinakamataas na kalidad at pinakamalinamnam na pagkain para sa mga baka at livestock. [2] Nagbibigay ito ng masustansya at mataas na protina para sa mga baka, kalabaw, tupa at kambing na nagpapataas ng produksyon ng gatas at bilang supplement ng protina na pakain para sa mga naggagatas na mga baka. [2] Ang ipil-ipil ay pwede ring ipakain sa mga non-ruminants na tulad ng baboy. [2]  Ito ay may napakagandang epekto sa performance ng growing - fattening na mga baboy. [2] Ang naproseso na buto ng ipil-ipil ay ginagamit rin bilang sangkap ng pakain (feeds). [2] Ang ipil-ipil ay nagtataglay ng anti-nutritional amino acid mimosine. Ito ay isang non-protein na mayroong masamang epekto sa mga hayop kung saan ang presensya ng aerobic rumen bacteria na Synergistes jonesii ay wala, pangunahin na sa mga bansa sa Asya. Kaya naman ito ay hindi pinapakain ng higit sa 30% ng kabuoang pagkain ng mga alagang hayop. [1] Ng...